Posted October 16, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Walang dapat ikabahala ang mga pasahero at publiko tungkol sa Ebola
Virus.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Kalibo
Manager Cynthia Aspera, ligtas ngunit naghahanda naman ang Kalibo Airport laban
sa Ebola, maliban sa kampante umano itong
nasasala na rin ang mga pasahero bago dumating sa bansa.
Ayon pa kay Aspera, 24 oras ding nagbabantay ang mga quarantine
officials sa Kalibo Airport katulad sa pagbabantay din umano nila sa
kinatatakutang Middle East respiratory syndrome corona virus o MERS-CoV.
Samantala, tumanggi munang magbigay ng pahayag tungkol dito ang Caticlan
Airport, sa kabila ng paniniwalang wala ring dapat ikabahala ang publiko sa
nasabing Ebola virus.
Magugunita namang sinabi ni DOH Assistant Secretary Eric Tayag sa
katatapos na National Ebola Virus Disease Summit na kulang ang travel
restrictions ng bansa laban sa nakamamatay na sakit.
No comments:
Post a Comment