Posted October 13, 2014
Ni Bert Dalida, YES
FM Boracay
Ito ang sinabi ni
Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) V Mark Delos Reyes tungkol sa
synchronized o sabay-sabay na barangay assembly sa buong Aklan nitong nakaraang
linggo.
Ayon kay Delos Reyes,
maaaring alanganin ang schedule ng ibang barangay kung kaya’t ngayong linggo pa
sila magsasagawa ng kanilang assembly.
Base sa Memorandum
Circular 2014-100 na nilagdaan ni Interior Secretary Mar Roxas, alinsunod sa
Presidential Proclamation No. 260, series of 2011, nabatid na dapat magdeliver
ng kanyang State of the Barangay Address ang isang barangay kapitan tuwing
huling Sabado ng Marso at ikalawang Linggo ng Oktubre.
Ayon pa kay Delos
Reyes, kailangang kumpleto rin dapat ang attendance ng barangay sa barangay
assembly habang ipinapaabot sa taong bayan ang mga accomplishments financial
reports, mga programa at proyekto sa barangay.
Nabatid na natapos
naman ang Barangay Assembly ng Balabag nitong nakaraang Sabado.
No comments:
Post a Comment