Posted October 15, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sinuspende muna ng Sangguniang Panlalawigan (SP)
Aklan ang resolusyon na naglalayong paigtingin ang TB Control Program sa probinsya.
Sa ginanap na SP Regular Session, pinagkasunduan ng
konseho na e-deferred muna ito o suspendehin dahil sa pagsasaalang-alang ng
ilang mga bagay.
Nabatid na ang nasabing resolusyon na ini-akda ni
SP Member Nelson Sta. Maria ay naglalayong paigtingin pa at magkaroon ng sapat
na implementasyon ng mga programa para sa sakit na tuberculosis (TB).
Kaugnay nito, inaasahang magkakaroon din ng
ibat-ibang plano ang gobyerno tungkol dito katulad ng paglalagay ng Multi-drug-resistant
TB Satellite Treatment Center sa Dr.
Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital.
No comments:
Post a Comment