Posted October 15, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ayon kay PO1 Kynch Parce ng Makato PNP, inggit ang
dahilan kung bakit sinaksak ng suspek na si Narciso Torera, 56 anyos ng Tugas,
Makato, Aklan ang biktimang si Emilio Tabernilla, 41 anyos ng nasabing lugar.
Base sa imbistigasyon, nainggit kung kaya’t
kinompronta umano ng suspek ang biktima dahil sa ipinapagawa nitong bahay na
mula sa assistance para sa biktima ng bagyong Yolanda.
Nauwi sa pananaksak ang komprontasyon dahilan upang
isugod sa pagamutan ang biktima matapos masugatan sa kamay at tagiliran.
Samantala, inihahanda naman ang kasong frustrated
homicide sa suspek matapos itong maaresto ng mga pulis.
No comments:
Post a Comment