Posted October 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Gusto umanong pa-imbestigahan ng Sangguniang Bayan ng
Malay ang operasyon ng isang party boat o bangka sa isla ng Boracay.
Ito ang nilalaman ng privilege speech ni SB Member
Jupiter Gallenero sa ginanap na 32nd SB Session ng Malay kahapon ng
umaga.
Aniya, mayroon umanong bangka ng isang travel and tour sa
Boracay sa nagsasagawa ng nasabing operasyon sa pamamagitan ng pagkakaron ng
live acoustic band at nagse-serve ng inumin at pagkain habang nag a-island
hopping.
Iginiit nito na ito ay isang paglabag sa ordinansa ng LGU
Malay kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang ganitong klaseng gawain.
Nabatid na maaari itong magdulot ng piligro sa mga sakay
na turista habang umiinom o di kaya ay ang hindi pag-kontrol ng basura na
maaarig mahulog sa dagat.
Sa ngayon nais matukoy ni Gallenero kung sino ang nagmamay-ari
ng party boat para mabigyan ng agarang aksyon.
Samantala, nais namang pulungin ng LGU ang Municipal
Auxiliary Police (MAP) para bantayan ang nasabing bangka upang hindi na muling
makapagsagawa ng ipinagbabawal na aktibidad.
No comments:
Post a Comment