Posted October 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patay na ng matagpuan ang security guard ng isang
construction site sa isla ng Boracay kaninang madaling araw sa Brgy. Balabag,
Malay, Aklan.
Sa blotter report ng Boracay PNP kinilala ang biktimang
si Nelson Tucjang, 57-anyos ng Lenneng Kabugao, Apayao at nag-tratrabaho sa
isla bilang isang sekyu.
Nabatid na natagpuan nalang ito ng kanyang kasamahan sa
trabaho na nakahandusay sa sahig ng guard house na walang bakas ng nangyaring
krimen.
Ayon sa nakatago sa sekyu, tatlong beses niya umanong
ginising ang biktima ngunit hindi na ito gumagalaw kung kayat huminge siya ng
tulong sa iba pa nilang kasamahan para dalhin ito sa hospital.
Ngunit ng makarating ito sa pagamutan ay idiniklara ito
ng doctor na dead on arrival kung saan ang ikinamatay umano nito ay Myocardial
Infarction o atake sa puso.
Samantala, ang kanyang labi ay nakahimlay naman ngayon sa
isang punerarya sa Brgy. Cubay Norte , Malay, Aklan.
No comments:
Post a Comment