Posted October 16, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Mag-i-extend ng canal sa Bolabog beach ang TIEZA o Tourism
Infrastructure and Enterprise Zone Authority.
Ito ang isa sa mga planong napagkasunduan ng TIEZA
at BRTF o Boracay Redevelopment Task Force sa muli nilang paghaharap sa isang
pagpupulong kahapon.
Subali’t ayon kay Engineer Giovanni Rullan ng
TIEZA, kailangan pa nilang pag-aralan kasama ng DENR o Department of
Environment and Natural Resources ang concrete coated pipe o sementadong tubo
na idudugtong sa kasalukuyang drainage sa Bolabog beach.
Maaari umano kasing gawing 300 meters o 500 meters
pa sa halip ng planong 150 meters na concrete coated pipe extension.
Samantala, nabatid na nag-aalala ang mga
stakeholders, turista at publiko sa isla na maaaring masira ang mga corals at
madumihan ang dagat sa Bolabog kapag gumana na ang pumping station ng TIEZA,
kung kaya’t napagkasunduan ng task force at TIEZA na habaan ang tubo ng
drainage doon.
No comments:
Post a Comment