Pages

Thursday, October 16, 2014

Service vehicle ng mga hotel at resort sa Boracay posibleng bawasan

Posted October 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pagbawas ng mga service vehicle.

Ito ang isa sa nakikitang paraan ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay para maibsan ang pagsikip ng daloy ng trapiko sa isla ng Boracay.

Sa SB Session nitong Martes ito ang tinalakay ng Konseho na nakapaloob sa Calendar of Business for 2nd reading.

Base sa naging proposal ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre sa Sangguniang Bayan ng Malay.

Nais nito na 1 unit lang umano ng sasakyan ang kailangang gamitin ng isang maliit na resort habang ang medium na may 50 o 100 hotel rooms ay tatlong unit hanggang anim na unit at sa malaking resort umano ay apat na unit hangang 8 unit.

Nabatid na maraming establisyemento sa isla ang mayroong sasakyan na siyang nagpapasikip sa daloy ng trapiko kung kayat isa ito sa nais solusyunan ng LGU Malay.

Maging ang private vehicles sa Boracay ay nais ding limitahan ng mga opisyal base na rin sa Municipal traffic ordinance.

Samantala, ang nasabing usapin ay muling tatalakayin sa pagbubukas ng ika-33rd SB Session sa susunod na linggo kung saan dito rin malalaman kung ang proposal ni Aguirre ay sasang-ayunan ng local body para sa mabilis na pagpapatupad nito.

No comments:

Post a Comment