Posted October 14, 2014
Ni Gloria Villas, YES
FM Boracay
Sa naging pahayag ng
mga ito, dapat na umanong tutukan ng lokal na pamahalaan ang patuloy na
paglipana ng mga asong gala sa Boracay.
Maliban kasi sa
gusgusin at mistula walang mga anti-rabbies injection, madalas ding nadidismaya
ang mga turista sa mga nasabing aso dahil sa pagdumi ng mga ito at pag-ihi sa
dalampasigan.
May ilan ding mga
turista ang umano’y hinabol ng mga aso habang namamasyal sa beach.
Samantala, nabatid na
mahigit sampung mga aso ang magkakasabay na gumagala sa beach lalo na sa gabi,
na binibigyan din pala kung minsan ng pagkain ng mga turista.
Matagal na ring
nanawagan sa mga kinauukulan ang publiko at maging ang mga stake holders dito,
kaugnay sa mga asong gala sa isla, lalo pa’t isang tourist destination ang
Boracay.
Matatandaan ding patuloy
na ikinakampanya ng LGU Malay sa mga nag-aalaga ng aso na maging responsible
pet owners.
Nabatid na kasama ng
Guimaras ang isla ng Boracay sa idineklara kamakailan lang ng Department of
Health (DOH) na “rabies free”.
No comments:
Post a Comment