Pages

Wednesday, October 15, 2014

Residente at turista, nababahala na sa mga asong gala sa Boracay

Posted October 14, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nababahala na ang mga residente maging turista sa Boracay tungkol sa mga asong gala sa isla.

Sa naging pahayag ng mga ito, dapat na umanong tutukan ng lokal na pamahalaan ang patuloy na paglipana ng mga asong gala sa Boracay.

Maliban kasi sa gusgusin at mistula walang mga anti-rabbies injection, madalas ding nadidismaya ang mga turista sa mga nasabing aso dahil sa pagdumi ng mga ito at pag-ihi sa dalampasigan.

May ilan ding mga turista ang umano’y hinabol ng mga aso habang namamasyal sa beach.

Samantala, nabatid na mahigit sampung mga aso ang magkakasabay na gumagala sa beach lalo na sa gabi, na binibigyan din pala kung minsan ng pagkain ng mga turista.

Matagal na ring nanawagan sa mga kinauukulan ang publiko at maging ang mga stake holders dito, kaugnay sa mga asong gala sa isla, lalo pa’t isang tourist destination ang Boracay.

Matatandaan ding patuloy na ikinakampanya ng LGU Malay sa mga nag-aalaga ng aso na maging responsible pet owners.

Nabatid na kasama ng Guimaras ang isla ng Boracay sa idineklara kamakailan lang ng Department of Health (DOH) na “rabies free”.

No comments:

Post a Comment