Pages

Wednesday, October 15, 2014

Operasyon ng isang party boat sa Boracay pa-iimbestigahan ng SB Malay

Posted October 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Gusto umanong pa-imbestigahan ng Sangguniang Bayan ng Malay ang operasyon ng isang party boat o bangka sa isla ng Boracay.

Ito ang nilalaman ng privilege speech ni SB Member Jupiter Gallenero sa ginanap na 32nd SB Session ng Malay kahapon ng umaga.

Aniya, mayroon umanong bangka ng isang travel and tour sa Boracay sa nagsasagawa ng nasabing operasyon sa pamamagitan ng pagkakaron ng live acoustic band at nagse-serve ng inumin at pagkain habang nag a-island hopping.

Iginiit nito na ito ay isang paglabag sa ordinansa ng LGU Malay kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang ganitong klaseng gawain.

Nabatid na maaari itong magdulot ng piligro sa mga sakay na turista habang umiinom o di kaya ay ang hindi pag-kontrol ng basura na maaarig mahulog sa dagat.

Sa ngayon nais matukoy ni Gallenero kung sino ang nagmamay-ari ng party boat para mabigyan ng agarang aksyon.

Samantala, nais namang pulungin ng LGU ang Municipal Auxiliary Police (MAP) para bantayan ang nasabing bangka upang hindi na muling makapagsagawa ng ipinagbabawal na aktibidad.

No comments:

Post a Comment