Ni Jay-ar M. Arante,
YES FM Boracay
Malapit nang simulan ang rehabilitasyon ng 420 meter
Kalibo-Numancia Bridge, habang ginagawa na rin ang bagong tulay na katabi nito.
Handa na kasi ang mga gagamiting materyales para sa nasabing proyekto.
Handa na kasi ang mga gagamiting materyales para sa nasabing proyekto.
Kabilang sa mga nasimulan na ay ang malalaking haligi na
nagsisilbing paa ng Kalibo-Numancia Bridge na kasalukyang makikita sa baba
mismo ng nasabing tulay.
Sa naging State of the Province Address ni Aklan
Governor Florencio Miraflores nitong nakaraang lingo, ibinida nito ang pagsasaayos
ng Kalibo Bridge.
Isa lamang ito sa mga proyektong imprastraktura ni Miraflores
na ipapagawa para sa ikakaganda pa ngprobinsya ng Aklan.
Nabatid na magkakaroon ng sidewalks, baluster railings
at street heights ang naturang bagong tulay o tinatawag ding alternate bridge
bilang paghahanda sa posibleng pagbahang Aklan River.
Sa kabilang banda nakatuon din ang pansin ng
provincial government sa pagsasaayos ng mga kalsada sa probinsya ng Aklan lalo na
ang National road patungong isla ng Boracay.
Nasa 370 million pesos
ang kabuuang halaga ng nasabing 2-lane bridge project na inaasahang matatapos
sa susunod na taon.
No comments:
Post a Comment