Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kung ito lang sana ang iniisip ng ilan sa mga
residente sa isla ng Boracay, hindi kakapal ang blotter book ng BTAC dahil sa
mga inirereklamong insidente kaugnay sa kalasingan.
Ito ang nangyari sa isang 41 – anyos na lalaki kaya’t
ikinustodiya sa Boracay PNP station matapos malasing at hamonin ng away ang
kanyang kapitbahay sa Manoc-manoc Boracay.
Nakilala sa report ng Boracay PNP ang suspek
na si Danny Ibunes Bautista ng Malinao, Aklan kung saan sa hindi malamang rason
ay hinamon ng away ang kanyang kapitbahay na si Roberto Navarro Cas, 57- anyos.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nanonood ng TV si
Cas sa bahay ng kanyang bayaw nang bigla umanong dumating si Bautista na lasing
at dahil sa mainit na argumento ay nagkaroon ng komosyon ang dalawa.
Dahilan para tumawag sa SOCO – Boracay Satellite
Office ang isa sa mga concerned citizen.
Sa ngayon ay nahaharap sa Violation B.P. 6 ang
suspek o ang alituntunin na nagbibigay penalidad sa kung sino man ang
nahuhuling nagdadala ng mga illegal na bladed weapon na gagamitin sa isang
krimen o bilang pananakot.
Nakuha mula kay Bautista ang 12 pulgadang ice peak
rason upang ikostudiya ito ng Boracay PNP.
No comments:
Post a Comment