Ni Bert Dalida Yes FM Boracay
Nasa Phase 2 na ng sea wall demolition ang BRTF o Boracay
Redevelopment Task Force.
Katunayan, inilatag na kahapon ng BRTF ang tungkol sa
Beach Replenishment Program bilang pangtapat sa naranasang scouring o pagka-wash
out ng buhangin papunta sa malalim na bahagi ng dagat.
Ito’y kasabay din ng pagdemolish ng BRTF sa mga
istrakturang itinayo ng mga establisemyento at stakeholders sa isla sa kanilang
beach front property.
Bahagi kasi ng ipinapatupad na redevelopment program sa
isla ang pagtanggal sa mga nasabing illegal na istraktura.
Samantala, sa pamamagitan ng Beach Replenishment Program,
nabatid na ipapa-vacuum sa isang diver ang buhangin mula sa dagat pabalik sa
bahaging naapektuhan ng scouring.
Base naman sa replenishment presentation kahapon ni Life
Guard Supervisor Mike Labatiao, ibabalik ang buhangin sa paraang parang
nag-iispray ng tubig, upang maibalik sa normal na contour ang beach front ng
isla.
Muli namang iginiit kahapon ng BRTF na ang mga nasabing seawalls
ang siyang dahilan ng pagka-wash out ng buhangin mula sa dalampasigan.
No comments:
Post a Comment