Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Binalaan ngayon ng Malay Transportation Office
(MTO) ang ilan sa mga abusadong habal-habal drivers sa isla ng Boracay.
Ayon kay Senior Transportation Regulation Officer
Cesar Oczon Jr. ng Municipal Transportation Office.
Ang habal-habal ay talagang ipinagbabawal sa
Boracay subalit may ilan paring mga pasaway na kumukuha umano ng permit to
transport para gamitin sa pamamasada.
Sinabi rin nito na walang habol ang mga habal-habal
driver sakaling masangkot man sila sa aksidente dahil sa walang ordinansa di
umano na pinapayagan ito sa isla ng Boracay.
Samantala, muli nitong ipinaalala sa mga
habal-habal driver na sundin ang mga alituntunin ng Transportation Laws and
Rules at huwag abusuhin kung ano man ang mga konsiderasyon na ibinibigay sa
kanila.
Matatandaan na nitong Enero ay isang habal-habal
driver ang sinampahan ng kaso dahil sa panggagahasa sa isang Swedish national
sa isla.
No comments:
Post a Comment