Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Hands off muna kaugnay sa kanyang suspension order si Yapak Punong
Barangay Hector Casidsid.
Pinayuhan umano kasi ito ng kanyang abogado na huwag na munang magbigay
ng anumang salaysay o komento tungkol dito.
Nabatid na suspendido si Kap Hector ng dalawang buwan dahil sa paglabag
umano nito ng solid waste management laws matapos nitong gawing open dumpsite o
tambakan ng basura ang isang lote na pagmamay-ari ni Leo Tirol.
Ihain ng office of the mayor ang isang suspension order na nilagdaan ni
mismong Mayor John Yap laban kay Kap Hector nitong nakaraang Huwebes.
Kaugnay nito, pinababakante muna si Kap Hector sa kanyang puwesto
simula Pebrero 10 hanggang April 10, 2014.
No comments:
Post a Comment