Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Handa na umano ngayon ang Aklan Electric
Cooperative (AKELCO) sa posibilidad na pagtaas ng demand sa power supply
ngayong papalapit na summer season.
Ayon kay AKELCO Boracay Sub-Station, Area Engr.
Wayne Bucala.
Sa ngayon ay wala pa umano silang ideya kung may
posibilidad sa pagtataas ng demand sa power supply, subalit nanatili umanong
nakahanda at intact ang kanilang preparasyon lalo na ngayong parami na ng
parami ang mga bakusyinista sa isla ng Boracay.
Samantala, nilinaw din ni Bucala na walang power
source ang AKELCO kung saan sa National Grid Corporation of the Philippines
(NGCP) pa ito kumukuha ng supply.
Ang NGCP ay siya rin umanong nagsisilbing daluyan
ng kuryente na ipinamamahagi sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Aklan.
Nabatid rin na ang AKELCO ay kumukuha ng suplay ng
kuryente mula sa iba’t-ibang power suppliers.
Bunsod nito, muling nagpa-alala ang AKELCO na
magtipid parin sa pag-gamit ng kuryente.
No comments:
Post a Comment