Pages

Monday, February 10, 2014

Rehabilitasyon ng 420 meter Kalibo-Numancia Bridge, malapit nang simulan; katabing bagong tulay, under construction na rin

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Malapit nang simulan ang rehabilitasyon ng 420 meter Kalibo-Numancia Bridge, habang ginagawa na rin ang bagong tulay na katabi nito.

Handa na kasi ang mga gagamiting materyales para sa nasabing proyekto.

Kabilang sa mga nasimulan na ay ang malalaking haligi na nagsisilbing paa ng Kalibo-Numancia Bridge na kasalukyang makikita sa baba mismo ng nasabing tulay.

Sa naging State of the Province Address ni Aklan Governor Florencio Miraflores nitong nakaraang lingo, ibinida nito ang pagsasaayos ng Kalibo Bridge.

Isa lamang ito sa mga proyektong imprastraktura ni Miraflores na ipapagawa para sa ikakaganda pa ngprobinsya ng Aklan.

Nabatid na magkakaroon ng sidewalks, baluster railings at street heights ang naturang bagong tulay o tinatawag ding alternate bridge bilang paghahanda sa posibleng pagbahang Aklan River.

Sa kabilang banda nakatuon din ang pansin ng provincial government sa pagsasaayos ng mga kalsada sa probinsya ng Aklan lalo na ang National road patungong isla ng Boracay.

Nasa 370 million pesos ang kabuuang halaga ng nasabing 2-lane bridge project na inaasahang matatapos sa susunod na taon.

No comments:

Post a Comment