Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Hindi umano kokonsintehen ng Malay
Transportation Office (MTO) ang mga nag-o-over loading na tricycle driver sa Boracay.
Ito ang sinabi ni MTO Senior Transportation
Regulation Officer Cesar Oczon Jr. matapos mabatid na may mga traysikel driver dito
ang hindi sumusunod sa tamang bilang ng mga pasahero.
Kapansin-pansin kasi kung minsan sa gabi na may mga
pasaherong turista na sa bubong na ng traysikel sumasakay o di kaya’y kusang
sumasabit kahit na delikado.
At dahil kadalasang chartered ng mga turistang ito
ang traysikel, ay tila hinahayaan lamang nila ang kagustuhan ng mga pasahero na
sa isang traysikel lamang sila sumakay kahit over loaded na at delikado.
Kaugnay nito, iginiit ni Oczon na hanggang anim
lang dapat ang pasahero ng isang traysikel base sa nakasaad sa ordinansa.
Kaya’t charter man umano ito o hindi, kailangang
sabihin ng mga drayber sa kanilang mga pasahero kung ilan lang ang pwedeng
maging pasahero nila.
Samantala, apela naman ni Oczon sa mga drayber na
makipag-cooperate nalang sa kanilang tanggapan para na rin sa seguridad ng mga
turista.
Nakatakda rin umano itong makipagpulong kay DOT
Officer In Charge Tim Ticar hinggil sa mga problema sa transportasyon sa isla.
No comments:
Post a Comment