YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 10, 2014

Simbahang Katolika sa Boracay, nagbigay ng paalaala sa mga mag-irog ngayong nalalapit na Valentines Day

Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay

“Magdiwang at magsaya ng sama-sama”.

Ito ang naging paalaala ni Team Ministry moderator “Father Nonoy” Crisostomo ng Boracay Holy Rosary Parish para sa mga mag-irog ngayong nalalapit na araw ng mga puso.

Subali’t nilinaw ni Father Nonoy na  hindi lamang para sa mga magsing-irog ang nasabing pagdiriwang kundi para sa lahat.

Ang Valentine’s Day o araw ng mga puso umano kasi ay araw ng pagmamahal, kung kaya’t sana ay huwag umanong kalimutan kung ano ang tunay na kahulugan nito.

Dagdag pa ni Fr. Crisostomo na kung maaari ay umiwas sa mga lugar na maaaring magtulak sa atin upang makagawa ng isang bagay na pagsisisihan sa bandang huli.

Pinaalalahanan din nito ang mga teenager na sana’y isipin nila na ang tunay na pagmamahal o pag-ibig ay ang pagnanais mong gumawa ng kabutihan para sa iyong minamahal.

Inaasahan na maraming magkasintahan at nagmamahalan ang may kani-kanilang pamamaraan kung paano ipagdiriwang ang Valentine’s Day sa Pebrero 14.

No comments:

Post a Comment