YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 11, 2014

Malay at Boracay, nakiisa sa pagdiriwang ng ika-20 taong death anniversary ni Evelio Javier

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Beloy.jpgWalang pasok sa mga pampublikong opisina ngayon sa bayan ng Malay at Boracay.

Wala ring pasok sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan, maging ang mga bangko dito.

Isang special non-working public holiday kasi ngayon kaugnay sa ika-20 taong anibersaryo sa pagkakapaslang kay Antique Governor Evilio Javier.

Isang opposition leader si Javier sa panahon ng pamumuno ni dating pangulong Ferdinand Marcos at pinatay noong Feb. 11, 1986 ng mga umano’y kaalyado ng ng nasabing pangulo.

Sinasabing ang pagpaslang kay Javier ang isa sa mga naging mitsa ng Feb. 22, 1986 People Power Revolution.

Samantala, idineklara ng Republic Act N0. 7601 na isang special non-working public holiday ang ika-11 ng Pebrero ng bawat taon sa mga probinsya ng Antique, Capiz, Aklan at Iloilo bilang paggunita sa “Evilio Javier Day”.

Inaasahan namang babalik sa normal na operasyon ang mga nabanggit na opisina at ahensya bukas.

No comments:

Post a Comment