Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sinabi ni Department of Tourism (DOT) Boracay
Officer In Charge Tim Ticar, na maaari umanong gawin sa December 2014 o May
2015 ang APEC Summit sa isla.
Ito’y matapos na nasa halos 80% na umano sa ngayon
ang posibilidad na gagawin sa Boracay ang nasabing aktibidad.
Samantala, una rito ay pasok umano ang isla na
maka-accommodate ng 500 na mga kalahok dahil sa mga resort at hotel na mayroon
dito.
Matatandaan na naging positibo rin ang sinabi ni Deputy
Dir. General for Conference Services Ambassador Ma. Angelina Sta. Catalina, kung saan hanga umano ito sa mga de kalidad na
hotels, accommodations, at mga transport infrastructures sa isla bilang bahagi
ng Philippine APEC Hosting.
Gayonpaman, hindi naman umano nagpapakampante ang
DOT sapagkat nais umano nila na kapag dumating na araw na gaganapin na ang
aktibidad sa isla ay magiging maganda ang reaksyon ng mga bisita rito.
Sa tulong umano ng mga iba’t-ibang sector at
nasyonal government, tiwala si Ticar na magiging matagumpay ang gaganaping APEC
Summit sa isla.
No comments:
Post a Comment