Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sa loob ng 55 minuto at 24 na masigabong na palakpakan kahapon.
Ibinida ni Aklan Governor Florencio Miraflores sa kanyang
kauna-unahang SOPA o State of the Province Address ang mga proyektong
pang-imprastraktura para sa probinsya ngayong taon.
Sa ginanap na 4th regular session ng Sangguniang Panlalawigan kahapon, kinumpirma ni Miraflores ang tungkol sa rehabilitasyon ng 420 meter Kalibo-Numancia Bridge at ang isa pang bagong tulay sa tabi nito.
Matatapos umano ang 370 million pesos na 2-lane bridge na
ito sa susunod na taon.
Sinasabing magkakaroon ng sidewalks, baluster railings at
street heights ang naturang bagong tulay o tinatawag ding alternate bridge bilang
paghahanda sa posibleng pagbaha ng Aklan River.
Maliban dito, kinumpirma din ni Miraflores ang tungkol sa
pagpapalawak ng Cagban Terminal Building para sa binabalak na Island Check In
para sa mas mas maginhawang guest transfer mula Boracay papuntang Kalibo
Airport.
Palalawakin din umano ang Caticlan Port para sa mga
bumibisitang Cruise ships sa Boracay.
No comments:
Post a Comment