Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang payo ng ilan sa mga kasapi ng Boracay PNP
Station matapos na magresponde sa isang bar sa Boracay.
Bugbog sarado kasi ang isang Canadian National na
nakilala kay Andrew Rheault, 24 at temporaryong nanunuluyan sa isang resort sa
isla.
Ayon sa salaysay kaninang umaga ng biktima sa
Boracay PNP station.
Alas kwatro kaninang madaling araw nang di umano’y
wala syang probokasyong pinagbubugbog ng isa sa mga bouncer ng isang bar sa
Boracay.
Samantala, dahil nasa ilalim pa ito ng nakalalasing
na inumin ay nasampulan naman nya ng mga maanghang na salita ang ilan sa mga
kasapi ng Boracay PNP.
Nagtamo ng sugat sa panga ang nasabing Canadian National,
kung saan ayaw pa sana nitong magpagamot sa ospital dahil sa gusto muna nyang pakunan
sa mga pulis ng larawan ang kanyang mukha.
Nagpapatuloy naman sa ngayon ang imbestigasyon ng Boracay PNP Station hinggil sa nasabing kaso.
Nagpapatuloy naman sa ngayon ang imbestigasyon ng Boracay PNP Station hinggil sa nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment