Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Maaaring magkaroon ng masamang epekto sa puting buhangin ang
mga tinibag na semento sa Boracay na ipinatupad ng Redevelopment task force.
Ito’y ayon kay Dr. Miguel Fortes, Project Manager ng
CECAM at mula sa University of the Philippines Marine Science Institute o
UPMSI.
Sa kanila umanong pag-aaral maaaring magdulot ito ng hindi
magandang epekto sa puting buhangin kagaya ng pag-iiba ng kulay.
Aniya mas nakakabuti nalang kung itinimbak ito sa isang
lugar para gawing isang pamalamuti o patubuan ng lumot bilang dagdag atraksyon
katulad ng sa ibang lugar.
Ayon naman kay Malay SB Floribar Bautista ang pagbaon ng
mga debris sa buhangin ay hindi masyadong napag-isipan at na-ikspirmintuhan
lamang.
Dahil dito dismayado rin ang Sangguniang Bayan ng Malay
sa nangyaring pag-baon ng mga tinibag na semento sa buhangin sa isla ng
Boracay.
Why can't the demolished concrete & iron metals be collected, put in a dump truck then into a barge & if they want to bury, bury it at Mainland Malay if possible? ..And not just bury those debris on the beautiful white sand of Boracay Island which I heard have already caused injuries to tourists. Also heard there is P5 Million peso budget for the demolition?
ReplyDelete