Pages

Thursday, February 06, 2014

Mga proyektong pang-imprastraktura, ibinida ni Governor Miraflores sa kanyang SOPA kahapon

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Sa loob ng 55 minuto at 24 na masigabong na palakpakan kahapon.

Ibinida ni Aklan Governor Florencio Miraflores sa kanyang kauna-unahang SOPA o State of the Province Address ang mga proyektong pang-imprastraktura para sa probinsya ngayong taon.

Sa ginanap na 4th regular session ng Sangguniang Panlalawigan kahapon, kinumpirma ni Miraflores ang tungkol sa rehabilitasyon ng 420 meter Kalibo-Numancia Bridge at ang isa pang bagong tulay sa tabi nito.

Matatapos umano ang 370 million pesos na 2-lane bridge na ito sa susunod na taon.

Sinasabing magkakaroon ng sidewalks, baluster railings at street heights ang naturang bagong tulay o tinatawag ding alternate bridge bilang paghahanda sa posibleng pagbaha ng Aklan River.

Maliban dito, kinumpirma din ni Miraflores ang tungkol sa pagpapalawak ng Cagban Terminal Building para sa binabalak na Island Check In para sa mas mas maginhawang guest transfer mula Boracay papuntang Kalibo Airport.

Palalawakin din umano ang Caticlan Port para sa mga bumibisitang Cruise ships sa Boracay.

No comments:

Post a Comment