Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaya’t upang maprotekhan ang kapakanan at kalusugan
ng publiko laban sa epekto ng paninigarilyo.
Mahigpit na ipinapatupad ngayon ang Anti-Smoking
Ordinance sa isla ng Boracay lalo na sa front beach nito.
Ayon sa Chairman ng Committee on Laws, Rules and
Ordinances, SB Rowen Aguirre.
Bagamat sa baybayin ngayon ng isla ay mahigpit ang
pagpapatupad ng ordinansa dahil sa masamang epekto ng mga cigarette butts na
matagal mabulok.
Inaayos din umano ngayon ng local na pamahalaan ang
pagre-require sa mga establisyemento na maglaan ng “smoking area” para sa mga bisita
na mahilig manigarilyo.
Binigyang linaw din nito na mahigpit ring
ipinapatupad ang nasabing ordinansa sa mga pampublikong lugar at public
utilities tulad ng mga tricycle, jeep at mga ferry boats.
Ipinaalala ni Aguirre sa mga tricycle drivers na makakasama sila doon sa mga mahuhuli kung
hindi pagbabawalan ang mga pasahero nitong naninigarilyo.
Samantala, pagmumultahin ng isang libong peso
hanggang 2, 500 pesos ang mga mahuhuli sa unang pagkakataon, o papatawan ng
community service ang walang pambayad.
Ayon pa kay Aguirre, ang operasyon nila sa mga
lumalabag sa anti smoking ordinance ay tuloy-tuloy na kung saan tuwing araw ay
nagpapakalat ng MAP officer sa baybayin
at sa gabi para magbantay.
Ang nasabing ordinansa ay alinsunod rin sa RA 9211
o Tobacco Regulation Act.
No comments:
Post a Comment