Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang ibat-ibang reaksyon ng publiko lalong lalo na ng
mga motorista sa ginagawang Boracay drainage construction sa main road Balabag.
Ito’y dahil sa nagdudulot ng mahabang trapiko na madalas nagiging
sanhi ng pag-alburoto ng mga nasabing motorista.
Maliban dito kinukwestiyon ngayon ng ilang manggagawa at
risedente sa Boracay kung bakit malapit na ang peak season saka pa ginawa ang
nasabing proyekto.
Samantala, kaugnay nito humingi ng pang-unawa at
paumanhin sa publiko si ITP Construction Project Architect Victor Turingan
dahil sa abalang nararanasan ngayon sa main road Balabag.
Kinumpirma din nito na nasa 90 porsyento na bahagi ng
proyekto ang kanilang natatapos.
Nabatid na ang nasabing Drainage Project na ito ay sa
ilalim ng TIEZA o Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority bilang
solusyon sa mga problemang pagbaha sa Boracay.
No comments:
Post a Comment