Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang kinumpirma ni Mabel Bacani ng Boracay Re-development
Task Force, kaugnay sa aksyong gagawin nila sa debris ng tinibag na mga sea
wall partikular na sa long beach ng station 1.
Ito’y matapos umalma ang mga apektadong
establisemyento, mga residente at maging ang mga turista sa isla sa pagbaon ng
BRTF Demolition Team sa mga tinibag na sea wall.
Minarapat kasi ng mga taga BRTF na doon lang ibaon
sa buhanginan ang mga tinibag na sea wall, sa paniniwalang makakatulong ito
upang mapigilan ang nararanasang beach erosion sa isla.
Subali’t ang siste, naglitawan at kumalat sa
dalampasigan ang mga tinibag na bato at mga bakal.
Kaugnay nito, sinabi ni Bacani na ilalatag nila sa
susunod na linggo ang mga nilalaman ng Phase 2 ng nasabing sea wall demolition
program.
Samantala, igniit naman ni Bacani na nasa phase 1
pa lamang ang kanilang ginawang pagtibag, kung kaya’t hiniling nila sa publiko ang
sapat na panahon.
No comments:
Post a Comment