Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatanggap ng Endorsement letter ang SB Malay mula sa
Azur Poker at gaming Corporation na magtayo ng Poker Club sa isla ng Boracay.
Sa naging session ng SB Malay nitong Martes pasok sa
incoming and referrals ang nasabing pag-endorso na inaasahang tatalakayin sa
susunod na session.
Para naman mapag-aralan ito, minarapat na ipasa ni Malay
Vice mayor Wilbec Gelito sa Committee on Tourism ang rekomendasyon.
Dahil dito wala namang naging reaksyon ang mga konsehales
at inaaatay nalang itong buksan muli sa gagawing session.
Matatandaang naging mainit ang usapin tungkol sa pagpapatayo
ng Poker Club sa Boracay, lalo na ang balak sanang pagtayo ng Casino na
mahigpit na tinutulan ni Pangulong Noynoy Aqunio at maging ng simbahang
Katoliko.
No comments:
Post a Comment