Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay
Karagdagang serbisyo para sa lalo pang pagdami ng mga
turista sa isla ng Boracay.
Isa umano ito sa mga dahilan kung bakit naipursigeng
maipatupad sa isla ang Electric Tricycle o E-trike.
Ayon kay BLTMPC o Boracay Land Transport Multi-Purpose
Cooperative General Manager Ryan Tubi.
Bagama’t nasa “on trial stage” pa lamang ang mga E-Trike
na tumatakbo ngayon sa isla, ngunit maganda naman aniya ang naibibigay nitong serbisyo
sa kumunidad.
Katunayan, maging ang mga operator umano ay gumanda rin
ang kita simula nang gamitin nila ang E-Trike.
Ngunit nilinaw ni Tubi na ang kasalukuyang taripa sa
pamasahe ng mga E-Trike ay ang taripang inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Malay.
Ibig sabihin, ang taripa umanong ginagamit ng mga tricyle
na kulay yellow at blue ay ganun din sa mga E-trike ng BLTMPC.
Ito umano ay upang malaman din ng mga operator at maging
ng
BLTMPC kung sila ba ay kumikita rin gamit ang naturang E-trike.
Samantala, kaugnay nito, dahil na rin sa maganda ang operasyon
ng mga E-Trike sa isla, ay inaasahang madagdagan pa ito.
No comments:
Post a Comment