Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Mag-ingat sa pagpapatira o kumupkop ng kung
sinu-sino lamang sa inyong bahay, para sa inyong kaligtasan.
Isang minor de edad na suspek sa pagnanakaw sa
Boracay ang natimbog ng mga security guard sa Caticlan port kaninang umaga.
Ayon kay Provincial Guard 2 Richard Alair ng
Caticlan Jetty Port.
Nagpasaklolo sa kanila ang kapatid ng isang babaeng
ninakawan umano ng bag sa Barangay Balabag kaninang umaga sa pagbabasakaling
maabutan nila ito.
Kaugnay nito, kaagad kumilos sina Alair upang
habulin ang bata base sa diskripsyong ibinigay sa kanila.
Matagumpay namang natimbog ang suspek sa RoRo
Terminal na pasakay na sana ng 2Go.
Nabatid na bumili pala ito ng tiket sa 2Go,
subali’t hindi ito binigyan dahil isa siyang minor de edad.
Minarapat na lamang umano nitong makisuyo sa isang
matanda na ipagbili siya ng tiket.
Samantala, narekober mula sa kanya ang ninakaw na
bag ng biktima na naglalaman ng mahigit limang libong piso at ang iba pa nitong
gamit.
Nasa kostodiya na ngayon ng DSWD o Department of
Social Welfare and Development ang 12 anyos na kawatan na taga La Carlota,
Negros Occidental.
Sinasabing pinatira lamang ng biktima sa kanilang
bahay ang bata.
No comments:
Post a Comment