Ni Gloria
Villas, YES FM Boracay
Ito ang pinaninindigang slogan ng Philippine
National Police (PNP) para sugpuin ang iba’t-ibang klaseng krimen sa bansa.
Kaugnay nito, kamakailan lang ay nagsidatingan ang
ilang mga matataas na opisyal ng PNP Region 6 sa Boracay para bisitahin ang
Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).
Ayon kay Deputy Chief Police Inspector Fidel
Gentallan ng Boracay PNP.
Ito’y Standard Operating Procedure (SOP) sa mga
mataas na opisyal ng ahensya na magkaroon ng ocular inspection sa mga lower
units kung saan isa sa mga mahigpit na inaalerto ang Boracay.
Aniya, sapagkat ang isla ay itinuturing na isa sa
mga sikat na destinasyon at paboritong puntahan ng iba’t-ibang mga turista
dahil sa mga “in – demand” din nitong mga bars at resort.
Samantala, bilang paghahanda naman umano sa
nalalapit na “summer” kung saan inaasahan ang pagdagsa ng maraming mga
bakasyunista.
Pinaiigting ngayon ng mga otoridad ang kanilang
puwersa para sa agarang pagsugpo sa kung sino man ang nagbabalak gumawa ng
hindi maganda sa Boracay.
Kabilang sa mga bumisita rito si Chief
Superintendent Josephus Angan ng Police Regional Office (PRO-6), Police
Provincial Directors at iba pang mga matataas na opisyal ng Aklan Police
Provincial Office (APPO).
No comments:
Post a Comment