Pages

Tuesday, February 11, 2014

Lasing na naghamon ng away, ikinustodiya sa Boracay PNP Station

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“Ang alak ay inilalagay sa tiyan, hindi sa ulo”

Kung ito lang sana ang iniisip ng ilan sa mga residente sa isla ng Boracay, hindi kakapal ang blotter book ng BTAC dahil sa mga inirereklamong insidente kaugnay sa kalasingan.

Ito ang nangyari sa isang 41 – anyos na lalaki kaya’t ikinustodiya sa Boracay PNP station matapos malasing at hamonin ng away ang kanyang kapitbahay sa Manoc-manoc Boracay.

Nakilala sa report ng Boracay PNP ang suspek na si Danny Ibunes Bautista ng Malinao, Aklan kung saan sa hindi malamang rason ay hinamon ng away ang kanyang kapitbahay na si Roberto Navarro Cas, 57- anyos.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nanonood ng TV si Cas sa bahay ng kanyang bayaw nang bigla umanong dumating si Bautista na lasing at dahil sa mainit na argumento ay nagkaroon ng komosyon ang dalawa.

Dahilan para tumawag sa SOCO – Boracay Satellite Office ang isa sa mga concerned citizen.

Sa ngayon ay nahaharap sa Violation B.P. 6 ang suspek o ang alituntunin na nagbibigay penalidad sa kung sino man ang nahuhuling nagdadala ng mga illegal na bladed weapon na gagamitin sa isang krimen o bilang pananakot.

Nakuha mula kay Bautista ang 12 pulgadang ice peak rason upang ikostudiya ito ng Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment