Pages

Friday, February 07, 2014

Boracay drainage construction sa main road Balabag umani ng ibat-ibang reaksyon sa publiko

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakakabagot na traffic at abala sa oras.

Ito ang ibat-ibang reaksyon ng publiko lalong lalo na ng mga motorista sa ginagawang Boracay drainage construction sa main road Balabag.

Ito’y dahil sa nagdudulot ng mahabang trapiko na madalas nagiging sanhi ng pag-alburoto ng mga nasabing motorista.

Maliban dito kinukwestiyon ngayon ng ilang manggagawa at risedente sa Boracay kung bakit malapit na ang peak season saka pa ginawa ang nasabing proyekto.

Samantala, kaugnay nito humingi ng pang-unawa at paumanhin sa publiko si ITP Construction Project Architect Victor Turingan dahil sa abalang nararanasan ngayon sa main road Balabag.

Kinumpirma din nito na nasa 90 porsyento na bahagi ng proyekto ang kanilang natatapos.

Nabatid na ang nasabing Drainage Project na ito ay sa ilalim ng TIEZA o Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority bilang solusyon sa mga problemang pagbaha sa Boracay.

No comments:

Post a Comment