Pages

Tuesday, February 11, 2014

APEC Summit, maaring gawin sa isla ng Boracay sa December 2014 o May 2015

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Matapos na maging impresebo ang naging paghahanda ng lokal na pamahalaan sa isla ng Boracay.

Sinabi ni Department of Tourism (DOT) Boracay Officer In Charge Tim Ticar, na maaari umanong gawin sa December 2014 o May 2015 ang APEC Summit sa isla.

Ito’y matapos na nasa halos 80% na umano sa ngayon ang posibilidad na gagawin sa Boracay ang nasabing aktibidad.

Samantala, una rito ay pasok umano ang isla na maka-accommodate ng 500 na mga kalahok dahil sa mga resort at hotel na mayroon dito.

Matatandaan na naging positibo rin ang sinabi ni Deputy Dir. General for Conference Services Ambassador Ma. Angelina Sta. Catalina, kung saan hanga umano ito sa mga de kalidad na hotels, accommodations, at mga transport infrastructures sa isla bilang bahagi ng Philippine APEC Hosting.

Gayonpaman, hindi naman umano nagpapakampante ang DOT sapagkat nais umano nila na kapag dumating na araw na gaganapin na ang aktibidad sa isla ay magiging maganda ang reaksyon ng mga bisita rito.

Sa tulong umano ng mga iba’t-ibang sector at nasyonal government, tiwala si Ticar na magiging matagumpay ang gaganaping APEC Summit sa isla.

No comments:

Post a Comment