Pages

Friday, February 07, 2014

Anti-Smoking Ordinance, mahigpit na ipinapatupad sa front beach ng Boracay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“Cigarette smoking is dangerous to your health”

Kaya’t upang maprotekhan ang kapakanan at kalusugan ng publiko laban sa epekto ng paninigarilyo.

Mahigpit na ipinapatupad ngayon ang Anti-Smoking Ordinance sa isla ng Boracay lalo na sa front beach nito.

Ayon sa Chairman ng Committee on Laws, Rules and Ordinances, SB Rowen Aguirre.

Bagamat sa baybayin ngayon ng isla ay mahigpit ang pagpapatupad ng ordinansa dahil sa masamang epekto ng mga cigarette butts na matagal mabulok.

Inaayos din umano ngayon ng local na pamahalaan ang pagre-require sa mga establisyemento na maglaan ng “smoking area” para sa mga bisita na mahilig manigarilyo.

Binigyang linaw din nito na mahigpit ring ipinapatupad ang nasabing ordinansa sa mga pampublikong lugar at public utilities tulad ng mga tricycle, jeep at mga ferry boats.

Ipinaalala ni Aguirre sa mga tricycle drivers  na makakasama sila doon sa mga mahuhuli kung hindi pagbabawalan ang mga pasahero nitong naninigarilyo.

Samantala, pagmumultahin ng isang libong peso hanggang 2, 500 pesos ang mga mahuhuli sa unang pagkakataon, o papatawan ng community service ang walang pambayad.

Ayon pa kay Aguirre, ang operasyon nila sa mga lumalabag sa anti smoking ordinance ay tuloy-tuloy na kung saan tuwing araw ay nagpapakalat ng MAP  officer sa baybayin at sa gabi para magbantay.

Ang nasabing ordinansa ay alinsunod rin sa RA 9211 o Tobacco Regulation Act.

No comments:

Post a Comment