Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagkaroon ng shooting sa isla ng Boracay ang sikat na TV
Network sa bansang Korea para i-promote ang turismo ng Boracay.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-Charge Tim Ticar, kilala
ang Korea bilang nangunguna sa tourist arrival sa Boracay, kung kayat nais pa
nilang ma maintain ang stability ng mga Koreans para pumunta sa isla.
Inikot umano ng tatlong Korean personality ang buong isla
para kuhaan ng video na ipapakita sa kanilang bansa.
Nabatid na kabilang sa mga lugar kung saan sila ng
shooting ay ang long beach area, ibat-ibang restaurant at shopping area.
Hindi rin umano nila pinalagpas ang sikat na fire dance
sa beach tuwing gabi, gayon din ang mga water sport activities kagaya ng
snorkeling, diving, parasailing at ilang pang sikat na water sport activities.
Kabilang din dito ang pagsakay sa helicopter para
makuhaan ng video ang buong isla ng Boracay.
Kaugnay nito ang Department of Tourism o DOT ang siyang
nag-organize at gumastos ng nasabing shooting para lalo pang mai-promote ang
isla ng Boracay sa mga taga-Korea bilang bahagi ng kanilang marketing and
promotions.
No comments:
Post a Comment