Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y kasunod ng napabalitang pagtaas ng kaso ng H7N9
virus o bird flu sa iba’t-ibang panig ng bansa tulad ng China at Korea.
Ayon sa Malay Municipal Agriculture Office.
Mahigpit parin ang ipinapatupad nilang inspeksyon
sa mga produkto ng karne particular na ang sa mga manok na pumapasok sa isla ng
Boracay.
Ito’y para masiguro ang kaligtasan ng publiko dito,
bagama’t wala pang naitalang kaso ang probinsya hinggil dito.
Nauna nang naiulat na nagsimulang kumalat ang H7N9
nitong buwan at hinihinalang dahilan ng pagkatamay ng may tinatayang 45 tao sa
China at Taiwan.
Samantala, nabatid na tinitiyak ng Department of
Health (DOH) Usec. Eric Tayag na hindi napapasok ng naturang sakit ang
Pilipinas.
Sinabi din nito na nananatiling epektibo ang
poultry ban na ipinapatupad ng Pilipinas sa mga poultry imports galing China
upang maiwasang kumalat sa bansa ang bird flu.
Ang matinding kasong ng pulmonya at multi-organ
failure ang kalimitang sanhi ng pagkamatay ng mga taong dinapuan ng H7N9
strain.
No comments:
Post a Comment