Pages

Monday, January 27, 2014

TV Network sa Korea, nag-shooting sa Boracay para i-promote ang isla sa kanilang bansa

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagkaroon ng shooting sa isla ng Boracay ang sikat na TV Network sa bansang Korea para i-promote ang turismo ng Boracay.

Ayon kay DOT Boracay Officer In-Charge Tim Ticar, kilala ang Korea bilang nangunguna sa tourist arrival sa Boracay, kung kayat nais pa nilang ma maintain ang stability ng mga Koreans para pumunta sa isla.

Inikot umano ng tatlong Korean personality ang buong isla para kuhaan ng video na ipapakita sa kanilang bansa.

Nabatid na kabilang sa mga lugar kung saan sila ng shooting ay ang long beach area, ibat-ibang restaurant at shopping area.

Hindi rin umano nila pinalagpas ang sikat na fire dance sa beach tuwing gabi, gayon din ang mga water sport activities kagaya ng snorkeling, diving, parasailing at ilang pang sikat na water sport activities.

Kabilang din dito ang pagsakay sa helicopter para makuhaan ng video ang buong isla ng Boracay.

Kaugnay nito ang Department of Tourism o DOT ang siyang nag-organize at gumastos ng nasabing shooting para lalo pang mai-promote ang isla ng Boracay sa mga taga-Korea bilang bahagi ng kanilang marketing and promotions.

No comments:

Post a Comment