YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 29, 2014

Babae nagreklamo sa Boracay PNP, matapos matuklasang may bubog sa bote na kaniyang iniinom na soft drink sa isang fast food chain

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Personal na nagreklamo sa tanggapan ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC ang biktimang si Irene Ramos na residente ng Andagao, Kalibo, Aklan.

Ito ay para i-alegar na habang siya’y kumakain kasama ang kaniyang tito at mga kaibigan sa isang fasts food chain dito sa Boracay kahapon ng hapon.

Napansin umano nito na tila may bagay na kahina-hinala sa loob ng kaniyang iniinom na soft drinks.

Nang tingnan umano nito ang loob ng bote, laking gulat niya na mayroon palang mga bobog sa kaniyang iniinom na soft drinks.
Dito napag-pasyahan umano nila na tawagin ang pansin ng staff ng fast food chain kung saan nila nakita itong tinatawag na bubog sa loob ng bote ng soft drinks.

Agad namang nagpakita ng magandang loob ang reprisentanti ng nasabing soft drinks kasama ang employee relations officer ng isang fast food sa biktima at sa kapulisan kung saan nangako naman ang representative ng soft drinks na mag-pro provide sila ng medical assistance sa biktima kung ito’y kinakailangan.

Ang nasabing kaso o problema ay mas minabuti na i-refer na lamang ng mga kapulisan sa Brgy. Justice System.

No comments:

Post a Comment