YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 28, 2014

MTOur, nanawagan ng suporta sa mga establishment owners hinggil sa unified rates ng Boracay Sea Sports Association

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nanawagan ngayon ng suporta sa mga establishment owners ang Malay Tourism Office (MTOur).

Ito’y kaugnay sa mga iminungkahing unified rates sa mga Sea and Water Sports Activities sa isla ng Boracay.

Ayon kay LGU Malay Chief Tourism Operations Officer Felix delos Santos Jr.

Maiging makipag-unayan sa municipal tourism office ang mga estblisyemento para mabigyan ng mga impormasyon at babala ang kanilang mga bisita hinggil sa mga illegal commissioners.

Ito’y upang magkaroon ng impormasyon ang mga turista sa standard na pamamalakad ng mga Sea and Water Sports Activities sa Boracay.

Maliban dito, layunin din umano ng nasabing unified rates ay para hindi mabiktima ng mga illegal commissioners ang mga turista.

Samantala, kahapon lang ay may tatlong Korean students ang napaulat na ninakawan ng illegal na tour guide sa isla.

Nabatid naman na matagal nang pinoproblema ng local na pamahalaan at Department of Tourism (DOT) ang mga ilegal na tour coordinators at komisyoner sa isla kung kaya’t iba’t-ibang programa na rin ang isinasagawa sa ngayon para matigil na ang mga ganitong insidente.

No comments:

Post a Comment