Ni Mackie Pajarillo, Yes FM Boracay
Mapapaaga ang pagdating ng MS Deutshland sa Boracay.
Ito ang sinabi ni DOT Boracay Officer-in-charge Tim Ticar
kaugnay sa pagbisita ng isa na namang cruise ship sa isla sa susunod na buwan.
Sa halip kasi na sa buwan ng Marso a syete darating ang
MS Deutshland ay gagawin na ngayong Pebrero.
Ayon pa kay Ticar ang inaasahang dalawang cruise ship na
darating ay magiging tatlo o baka magiging lima pa.
Anya ang nakaiskedyul na pagdating ng MS Deutshland ay
susundan agad ng MS Europa 2 sa a otso ng Pebrero at Pebrero a disi-syete naman
ang MS Costa Victoria.
Samantala nakatakda namang magpulong sa mga unang linggo
ng Pebrero ang mga taga DOT at ilang representante ng mga cruise ships para
mapaghandaan pa lalo ang pagdating ng mga nasabing barko.
Nabatid na may dalawa pang cruise ship ang nagbigay ng
pahiwatig na papasyal dito sa Boracay subalit hindi pa ito nakumpirma ng mga
taga DOT.
No comments:
Post a Comment