Ni Bert Dalida Yes FM Boracay
Kung umiyak ang mga estudyanteng Korean Nationals matapos
pagnakawan ng isang illegal na tour guide sa Boracay nitong Lunes.
Umiyak din ang isang Russian National sa isla matapos
umanong mabiktima ng snatcher.
Dakung alas 3:30 umano ng madaling araw kanina habang
naglalakad ito at ang kanyang kasama sa beach front malapit sa Ambassador
Resort nang bigla na lamang may umagaw sa kanyang bag.
Nakilala sa report ng Boracay PNP ang biktimang inagawan
ng bag na si Irina Lysenko at ang kasama nitong si Myltseva Ekaterina.
Ikinuwento ni Irina sa mga taga Boracay PNP na tinangay
ng umano’y maliit na lalaki ang kanyang bag na naglalaman ng IPhone 5S, ID at
300 US Dollars.
Kasama din sa tinangay ng suspek ang Samsung Galaxy S3 ni
Myltseva na nakalagay sa bag ni Irina.
Samantala, aminado ang mga biktima na madilim ang
pinangyarihan ng insidente, kung kaya’t hinala ng mga ito na isang minor de
edad ang snatcher.
Pawang babae ang mga nasabing biktima.
No comments:
Post a Comment