Ni Christy Dela Torre, YES FM
Boracay
Gumagawa na ng paraan ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno upang
matugunan ang problema kaugnay sa mga batang namamalimos ng pagkain sa mga
restaurant sa isla.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-Charge Artermio “Tim” Ticar, kasalukuyan na nilang ng pinag-uusapan kasama
ng mga taga Lokal na pamahalaan ng Malay, Department of Social Worker and
Development (DSWD), at maging ng mga taga human rights ang naturang suliranin.
Eye-sore na kasi talagang maituturing ang mga kabataang nasa edad trese
hanggang katorse anyos ang pagala-gala sa mga restaurant sa isla at namamalimos
ng pagkain sa mga turistang kumakain dito.
Maging ang mga tira-tirang pagkain ng mga turista ay kanila ding
hinihingi.
Bagay na nagtatanong tuloy ang ating mga kababayan kung ano ang
ginagawang hakbang ng mga kinauukulan tungkol dito.
Samantala, bagama’t hindi naman umano nagpapabaya ang DOT tungkol dito.
Aminado naman si Ticar na maging ang DSWD ay hirap din na ma-control
ang mga batang namamalimos ng pagkain.
Kapag nahuli umano ang mga ito ay agad ding pinapakawalan dahil sa
menor de edad ang mga ito.
Kaugnay nito, pinapayuhan ni Ticar ang mga may-ari o namamahala sa mga restaurant
na kung may makita silang mga kabataang namamalimos ay paalisin na lamang nila,
o di kaya’y huwag papasukin sa kanilang restaurant.
No comments:
Post a Comment