YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 29, 2014

Karanasan at pagbangon sa hurricane Katrina, ibinahagi ng New Orleans Tourism Industry sa Boracay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ibinahagi ng mga taga New Orleans Tourism Industry sa mga taga Boracay kung paano nila nalagpasan ang hurricane Katrina na humagupit sa kanilang bansa.

Pinagunahan ni Brad Weaber at Kelly Schulz ang New Orleans Convention and Visitors Bureau na ginanap sa isang sikat na Resort sa station 1 Boracay.

Dito, ipinakita nila sa mga partisipante ang mga kuhang litrato kung gaano katindi ang pananalasa ni Katrina sa New Orleans.

Ayon kay Weaber at Schulz, mabilis nilang nalagpasan ang nasabing kalamidad dahil sa pagtutulungan ng mamamayan, gayon din ang pag-sasaayos ng mga nasirang establisyemento at pangkabuhayan doon.

Kaugnay nito, nais naman ng New Orleans Tourism Industry na tularan ng isla ng Boracay ang kanilang ginawang pagbangon at panu ibabalik ang kagandahan ng turismo.

Iginiit pa ng mga ito na kung maaari ay kumuha ang Boracay ng public consultant o experts mula sa mga pribadong ahensya o mga estudyante mula sa mga unibersidad na kayang pag-planuhan o pag-aralan ang tungkol sa disaster preparedness at disaster recovery planning.

Samantala, kasama sa mga partisipante sa naturang convention ay sina Island Administrator Glen SacapaƱio, Mabel Bacane ng Redevelopment Task Force, Department of Tourism, Boracay PNP, Philippine Coastguard, Red Cross Boracay at LGU Malay.

No comments:

Post a Comment