YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 28, 2014

Limang Korean Tourist sa Boracay, nabiktima ng pekeng Commisioner

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagreklamo sa tanggapan ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC ang isang Korean Teacher kasama ang kaniyang apat na babaeng estudyante.

Ito’y matapos na tangayin ang kanilang mga gamit ng isang nagpakilalang island activity coordinator o commissioner kahapon ng hapon.

Ang mga biktima ay kinilalang si Hee Eun Young, 32 anyos, Lee Dasal, Kang Jinsu, Park Hyoun, Lim Jaelyn at parehong mga Korean Nationals na may edad 17 anyos.

Basi sa salaysay ng mga biktima sa kapulisan niyaya sila ni certain “Jepoy” na nagpakilalang commissioner at dinala sa Napoleon Water sports sa Station 1 Baranggay. Balabag sa isla ng Boracay para sa isang para sailing activity.

Dahil dito iniwan ng mga biktima ang kanilang apat na bag kay certain “Jepoy” na naglalaman ng mamahaling gamit.

Nang matapos na umano ang ginagawang activity, napag-alaman nilang itong commissioner ay nawawala na sa nasabing lugar at tangay nito ang kanilang mga bag.

Napag-alaman rin na hindi pa nabayaran ang kanilang para sailing activity na nagkakahalaga ng limang libong piso at dala-dala din nitong suspek.

Naglalaman naman ang mga bag ng Korean money, mga cell phones, camera, credit card at ilang pang mahahalagang bagay.

Samantala, patuloy parin ang ginagawang imbistigasyon ng mga otoridad para tugusin ang nasabing suspek.

No comments:

Post a Comment