Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy ang pag-agapay ng LGU Malay at Jetty Port Administration sa mga
na-stranded na pasahero sa Caticlan at Cagban Jetty Port.
Ito'y sa kabila parin ng epekto ng bagyong Basyang na kung saan
isinailalim sa signal number 2 ang lalawigan ng Aklan.
Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port.
Patuloy ang kanilang pagbibigay ng pagkain sa mga pasahero na karamihan
ay kahapon pa na-stranded sa nasabing pantalan.
Sa ngayon umano ay hindi na rin nadadagdagan ang mga pasaherong
na-stranded sa kabila ng kanilang panawagan sa mga transports group sa bayan ng
Kalibo na ihinto muna ang pagdadala ng pasahero na pupuntang Boracay.
Dagdag pa ni Pontero marami ring
mga bus ang stranded na sakay sana ng Roro Vessel papuntang Mindoro at
Batanggas.
Samantala sa Cagban Jetty Port ay may mga pasahero ring na-stranded na
kahapon pa naka-check out sa kanilang mga hotel na tinutuluyan sa isla ng
Boracay.
Sa ngayon hindi pa rin nakakabalik sa normal ang biyahe ng mga bangka
sa Caticlan at Cagban Jetty Port.
No comments:
Post a Comment