Pages

Tuesday, January 28, 2014

Malay Agriculture’s Office, nakaalerto kaugnay sa bird flu outbreak

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nakaalerto ngayon kaugnay sa bird flu outbreak ang Malay Agriculture’s Office.

Ito’y kasunod ng napabalitang pagtaas ng kaso ng H7N9 virus o bird flu sa iba’t-ibang panig ng bansa tulad ng China at Korea.

Ayon sa Malay Municipal Agriculture Office.

Mahigpit parin ang ipinapatupad nilang inspeksyon sa mga produkto ng karne particular na ang sa mga manok na pumapasok sa isla ng Boracay.

Ito’y para masiguro ang kaligtasan ng publiko dito, bagama’t wala pang naitalang kaso ang probinsya hinggil dito.

Nauna nang naiulat na nagsimulang kumalat ang H7N9 nitong buwan at hinihinalang dahilan ng pagkatamay ng may tinatayang 45 tao sa China at Taiwan.

Samantala, nabatid na tinitiyak ng Department of Health (DOH) Usec. Eric Tayag na hindi napapasok ng naturang sakit ang Pilipinas.

Sinabi din nito na nananatiling epektibo ang poultry ban na ipinapatupad ng Pilipinas sa mga poultry imports galing China upang maiwasang kumalat sa bansa ang bird flu.

Ang matinding kasong ng pulmonya at multi-organ failure ang kalimitang sanhi ng pagkamatay ng mga taong dinapuan ng H7N9 strain.

No comments:

Post a Comment