Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagreklamo sa tanggapan ng Boracay Tourist Assistance
Center o BTAC ang isang Korean Teacher kasama ang kaniyang apat na babaeng
estudyante.
Ito’y matapos na tangayin ang kanilang mga gamit ng isang
nagpakilalang island activity coordinator o commissioner kahapon ng hapon.
Ang mga biktima ay kinilalang si Hee Eun Young, 32 anyos,
Lee Dasal, Kang Jinsu, Park Hyoun, Lim Jaelyn at parehong mga Korean Nationals
na may edad 17 anyos.
Basi sa salaysay ng mga biktima sa kapulisan niyaya sila ni
certain “Jepoy” na nagpakilalang commissioner at dinala sa Napoleon Water
sports sa Station 1 Baranggay. Balabag sa isla ng Boracay para sa isang para
sailing activity.
Dahil dito iniwan ng mga biktima ang kanilang apat na bag
kay certain “Jepoy” na naglalaman ng mamahaling gamit.
Nang matapos na umano ang ginagawang activity,
napag-alaman nilang itong commissioner ay nawawala na sa nasabing lugar at
tangay nito ang kanilang mga bag.
Napag-alaman rin na hindi pa nabayaran ang kanilang para
sailing activity na nagkakahalaga ng limang libong piso at dala-dala din nitong
suspek.
Naglalaman naman ang mga bag ng Korean money, mga cell
phones, camera, credit card at ilang pang mahahalagang bagay.
Samantala, patuloy parin ang ginagawang imbistigasyon ng
mga otoridad para tugusin ang nasabing suspek.
No comments:
Post a Comment